Ginanap ngayon ang JOB FAIR sa Col. Jesus R. Lapus Memorial Sports Complex

Ang job fair na ito ay handog para sa mga Concepcionense sa pagdiriwang ng kapistahan ng bayan ng Concepcion.

Ang programang ito ay pinangunahan ng PESO Concepcion, Tarlac na dinaluhan ng mahigit 30 na mga kompanya mula sa Clark, Tarlac City, at Concepcion.

Ang job fair ay handog para sa mga Concepcionense ng Lokal na Pamahalaan ng Concepcion sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Noel Villanueva at Public Employment Service Office Manager Marlene Hipolito. Naghatid din ng pasasalamat sa mga kumpanya sina Councilor Calvin Sardia at SB Carlo Avena.

Sa pamamagitan ng job fair, maaring mapadali ang paghahanap ng trabaho ng mga job seekers na naaayon sa kanilang kasanayan at interes, at nagbibigay ito ng pagkakataon sa mga employer na makilala ang mga potensyal na kandidato para sa kanilang mga bakanteng posisyon. Ito ay isang oportunidad para sa mga job seekers na makipag-usap nang direkta sa mga kinatawan ng iba’t-ibang kumpanya at organisasyon upang maipakita ang kanilang kasanayan, karanasan, at iba pang mga kakayahan.