Naipamalas ng Bathaluman ng Sta. Monica ang kagandahan at katalinuhan nang mahirang si Moana San Diego bilang Bb. Bathaluman 2024 ng bayan ng Concepcion.

Ang mga kandidata ay umani ng ng mga parangal at papuri nang ipakita nila ang kanilang kahanga-hangang ganda at katalinuhan na nagdulot ng di-matatawarang inspirasyon sa mga manonood at tagasuporta.

Ang programang ito ay bahagi ng pagdiriwang sa nalalapit na kapistahan ng ating bayan na pinamumunuan ni Mayor Noel Villanueva.

Narito ang mga listahan ng mga nanalo:

  • BB. BATHALUMAN 2024 – MOANA SAN DIEGO (Sta. Monica)
  • 1ST RUNNER-UP – PAULEEN MICHELLE CUNANAN (Sto. Niño)
  • 2ND RUNNER-UP – CHLOE GARCIA (San Nicolas Poblacion-Isabel)
  • 3RD RUNNER-UP – KRISTEN AGUILAR PALAD (Sto. Rosario)
  • 4TH RUNNER-UP – LANCE GUINTO CASTRO (San Isidro)

Patuloy kayong magningning, mga Reyna ng Bathaluman 2024! Sa bawat hakbang, patuloy ninyong ipakita ang liwanag ng inyong kalooban at ang husay na mayroon kayo. Mabuhay ang mga Bathaluman ng 2024!

📷Mayor Noel Villanueva