Napuno ng kasiyahan at kagandahan ang ating plazuela kagabi sa ginanap na Mr. Concepcion 2024. Ang mga tao ay nagtipon-tipon upang suportahan ang kanilang mga kinatawan sa patimpalak na ito.

Ang programang ito ay bahagi ng pagdiriwang sa nalalapit na kapistahan ng ating bayan na pinamumunuan ni Mayor Noel Villanueva.

Narito ang mga listahan ng mga nanalo:

  • MR. CONCEPCION 2024 – MARC CHRISTIAN MUAN (San Francisco- Macabacle)
  • 1ST RUNNER-UP – DARMAWAN SUPANI (Cafe)
  • 2ND RUNNER-UP – JOHN PATRICK MACASPAC (San Francisco)
  • 3RD RUNNER-UP – KERVY DE GUZMAN (Sto. Cristo)
  • 4TH RUNNER-UP – RAFAEL ROSS GALAMAY (Sta. Rita)

Ang patimpalak na ito ay hindi lamang nagbibigay daan sa pagpapakita ng kagwapuhan ngunit pati na rin sa pagpapakita ng husay at talino ng mga kalahok.