Nagkampeon ang mga koponan ng Alfonso at San Francisco sa U17 at U22 basketball tournament.

Ang basketball tournament ay ginanap bilang parte ng nalalapit na kapistahan ng bayan ng Concepcion.

Naging maigting na labanan sa basketball para sa U17 at U22 categories mula sa 45 baranggays sa buong bayan. Ang nasabing aktibidad ay nagdulot ng kasiyahan at labanang puno ng husay at determinasyon mula sa mga manlalaro.

Narito ang listahan ng mga nanalo;

“Municipal Champion”

– Alfonso (U22)

– San Francisco (U17)

“U17”

  • West District Champion: San Francisco
  • South District Champion: San Jose
  • North District Champion: San Agustin
  • East District Champion: Sta. Monica

“U22”

  • West District Champion: Alfonso
  • South District Champion: San Antonio
  • North District Champion: San Agustin
  • East District Champion: Caluluan

Ang Palarong Pambayan sa basketball ay hindi lamang nagdulot ng labanang makapigil-hininga kundi nagbukas din ng mga pagkakataon para sa pagkakaisa at pagpapalakas ng samahan. Sa pamamagitan ng mga ganitong aktibidad, patuloy na naipamamalas ang sportsmanship at ang galing ng mga manlalaro mula sa iba’t ibang barangay ng Concepcion.