Sa pagdiriwang ng Filipino Food Month, isang natatanging kaganapan ang inorganisa sa munisipyo ng Concepcion, Tarlac, na pinamagatang “Unlocking Tarlac, Gastronomy.” Kung saan ipinakilala ang pag luto ng ‘Kapampangan Bagis’.

Sa tradisyonal na paraan, ang Kapampangan Bagis ay madalas na inihahanda gamit ang mga lokal na sangkap tulad ng sariwang karne tulad ng baka o kalabaw, na tinatimplahan ng mga pampalasa mula sa rehiyon upang lumikha ng isang masarap na ulam.

Ang mga non-traditional na paraan ng pagluto ng bagis ay nagpakita ng paggamit ng mga modernong teknik at banyagang sangkap, na nagbibigay-daan para sa pagbabago at eksperimentasyon habang nananatili ang esensya ng orihinal na lasa.

Binigyang tuntunan ng mga chefs kung paano ang mga simpleng sangkap, mapa-tradisyonal o non-tradisyonal para makalikha ng isang Kapampangan Bagis.