Nagkampeon ang mga koponan ng Sta. Maria at San Francisco sa Men’s and Women’s volleyball, ayon sa pagkakasunod.
Ang volleyball tournament ay ginanap bilang parte ng nalalapit na kapistahan ng bayan ng Concepcion.
Naging maigting na labanan sa volleyball para sa mga kalalakihan at kababaihan mula sa 45 baranggays sa buong bayan. Ang nasabing aktibidad ay nagdulot ng kasiyahan at labanang puno ng husay at determinasyon mula sa mga manlalaro.
Narito ang listahan ng mga nanalo;
“VOLLEYBALL MEN’S”
- Champion: Sta. Maria
- 1st runner up: San Francisco
- 2nd runner up: Tinang
- 3rd runner up: Murcia
- MVP: Eljay Zamora
VOLLEYBALL WOMEN’S”
- Champion: San Francisco
- 1st runner up: San Bartolome
- 2nd runner up: Sta. Maria
- 3rd runner up: Alfonso
- MVP: Joy Ann Tubu
Ang Palarong Pambayan sa Volleyball ay hindi lamang nagdulot ng labanang makapigil-hininga kundi nagbukas din ng mga pagkakataon para sa pagkakaisa at pagpapalakas ng samahan sa loob ng bayan. Sa pamamagitan ng mga ganitong aktibidad, patuloy na nabibigyang-pugay ang sportsmanship at ang galing ng mga manlalaro mula sa iba’t ibang barangay ng Concepcion.