Ipinagdiwang kaninang umaga ng Pamahalaang Bayan ng Concepcion, sa pakikipagtulungan ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas sa pangunguna ni Lisa Nakpil, ang ika-150 na kaarawan ni Servillano Aquino sa isang espesyal na seremonya sa Concepcion Plazuela. Isang mahalagang okasyon ito upang alalahanin ang kontribusyon at kabayanihan ni Servillano Aquino sa kasaysayan ng ating bayan.

Sa pamamagitan ng pag-aalay ng mga bulaklak sa kanyang marker sa Concepcion Plazuela, pinarangalan natin ang alaala ng isang bayaning Pilipino na nagbigay ng inspirasyon at nagsilbing halimbawa sa ating lahat. Kasama ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan tulad ni Mayor Noel Villanueva, nagkaisa tayo sa pagbibigay-pugay kay Servillano Aquino.

Dumalo rin sa nasabing pagtitipon ang mga kilalang personalidad tulad nina Governor Susan Yap, Vice Governor Cassada David, Congressman Kap. Noel “Bong” Rivera, Vice Mayor Carla Bautistaa, at ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan. Kasama rin sa mga dumalo ang kamag-anak ni Servillano Aquino, si dating Senador Bam Aquino, na nagbigay ng kanyang pagsaludo at pagkilala sa dakilang pamanang iniwan ng kanyang ninuno.

Ang ganitong programa ay naging tulay para sa pagpapahalaga sa mga bayani ng ating bayan. Ang paggunita sa mga tulad ni Servillano Aquino ay nagpapaalala sa atin ng kahalagahan ng pagmamahal sa bayan at paglilingkod sa kapwa. Muli nating ipinapaabot ang ating taos-pusong pasasalamat sa kanyang mga sakripisyo at dedikasyon para sa ating bansa.