Ginanap ngayon ang Pagdiriwang ng Kasaysayan sa Concepcion, Tarlac: Republika Community Lectures sa 2nd floor ng Tarlac State University.
Ang aktibidad na ito ay pinangunahan ng National Historical Commission of the Philippines, kasama ang Local Historical Committees Network at Tarlac State University, na isang makasaysayang pagtitipon sa Concepcion, Tarlac. Tinaguriang Republika Community Lectures, ang aktibidad ay naglalayong ipakita ang kahalagahan ng Central Luzon bilang pinagmulan ng unang Republika ng Pilipinas.
Mahigit sa 150 katao ang dumalo, kabilang ang mga mag-aaral ng Tarlac State University ng Concepcion. Tinalakay ang mga mahahalagang bahagi ng kasaysayan. Pinagtuunan ng pansin ang papel ng Tarlac sa panahon ng digmaang Pilipino-Amerikano, kung saan naglahad si Mr. Rhonie T. Dela Cruz ng kanyang kaalaman. Isa ring mahalagang bahagi ng pagtitipon ang pagtalakay kay Servillano Aquino, isang kilalang rebolusyonaryo, na pinangunahan ni Dr. Lino Dizon, Commissioner.
Nakiisa rin sa nasabing aktibidad si Renato Lindo, bilang kinatawan para kay Mayor Noel Villanueva, at Atty. Myla Matic kasama ang Sangguniang Bayan Members na sina Calvin Canlas at Carlo Avena.
Sa pamamagitan ng ganitong mga pagtitipon, ipinapakita ng komunidad ang kanilang pagpapahalaga sa kasaysayan at pag-unawa sa mga pangyayari at personalidad na bumuo sa kanilang lugar. Patuloy ang ganitong mga aktibidad sa pagbibigay-diin sa kahalagahan ng kasaysayan sa paghubog ng kinabukasan.