Ginanap kaninang umaga sa Matrimony Hall ng munisipyo, ang Consultative Meeting on the Implementation of Key Assistance for Developing Adolescents (KADA) Network.

Pinangunahan ni Theresa Marie Bondoc, ang HEPO Officer III ng DOH Central Luzon ang pulong.

Kasama sa aktibidad na ito ang 20 mga kalahok mula sa DepEd, RHU, Sanctuario, at Provincial Health Office.

Ang KADA consultative meeting ay isang pagtitipon kung saan binibigyang-pansin ang mga hakbang na kailangang gawin upang maisakatuparan ang mga programang naglalayong magbigay ng mahalagang tulong sa pag-unlad ng mga adolescents.