Sa pangunguna ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO ) at Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), isinagawa ang serye ng pagsasanay sa first aid para sa mga kinatawan ng barangay. Tinaguriang “First Aid Training,” layon nitong magbigay ng mahalagang kaalaman at kasanayan sa mga residente ng barangay upang maging handa at makapagbigay ng agarang tulong sa panahon ng mga sakuna at kalamidad.

Nakiisa ang 97 katao mula sa programang ito. Ang paglahok ng maraming indibidwal mula sa mga barangay representatives ay nagpapakita ng kanilang dedikasyon sa pag-aaral at pagpapaunlad ng kanilang kakayahan sa pagtugon sa mga sitwasyong pang-emergency.

Ang First Aid Training ay may malaking kahalagahan sa komunidad. Ito ay nagbibigay hindi lamang ng kakayahan sa pagresponde sa mga aksidente at mga pangyayari ng kalamidad, kundi pati na rin sa pagtugon sa mga medikal na pangangailangan ng mga tao sa paligid. Sa pamamagitan ng pagpapalawak ng kaalaman sa unang tulong, ang mga kinatawan ng barangay ay magiging mga mabisang tagapamagitan sa pagitan ng oras ng pangangailangan at ng pagdating ng mga propesyonal na serbisyo ng medikal.

Sa pamamagitan ng tulad na mga gawaing tulad ng pagsasanay sa first aid, patuloy na lumalakas at lumalago ang kakayahan ng komunidad na magtulungan at magtaguyod ng kaligtasan at kagalingan ng bawat isa. Ang tuloy-tuloy na pagpapalakas ng kaalaman at kasanayan sa unang tulong ay isang mahalagang hakbang sa pagtataguyod ng isang ligtas at handang komunidad laban sa anumang uri ng sakuna at kalamidad.