Ginanap ang Seminar Workshop on Basic Essentials in Rendering Quality Utility Services Focusing on Ethical Codes and Standards sa 3rd floor ng Legislative Building

Pinangunahan ang aktibidad nina Mr Reynaldo L. Orille, isang Human Resource Consultant at Trainer, at ng LGU Concepcion HRMO. Dumalo rin ang 57 katao na ambulance driver, security guard at utility para sa ikatlong batch ng seminar.

Ang nasabing seminar-workshop ay mahalaga upang palalimin ang kaalaman at kasanayan ng mga kalahok sa pagbibigay ng serbisyo, habang pinapalakas ang kanilang integridad at kalidad sa kanilang trabaho.