Ibinahagi ni Cong. Bong ang excavator sa bayan ng Concepcion sa pamumuno ni Mayor Noel Villanueva kasama sina Vice Governor Carlito David, SB Erwin James Villanueva, SB Carlo Avena, SB Boy Mandal, Councilor Calvin Sardia, SB Jayson Lagman, ABC President Edward Suarez, SK FEDERATION President Cygel Lusung at ang 45 Barangay Captains ng Concepcion.
Binigyan ng bagong excavator ang ating munisipyo, isang mahalagang hakbang tungo sa mas mabilis at epektibong pagpapaunlad ng ating komunidad! Sa tulong nito, mas mapapabilis ang mga proyektong pang-imprastraktura tulad ng kalsada, patubig, at iba pa.