Ang lenten retreat ay dinaluhan ng mga empleyado ng munisipyo at may temang “Seeking God, The Bread of Eternal Life.” Pinangungunahan naman ito ni Fr. Jayson Aguilar, isang kilalang Retreat Speaker at tagapagturo ng Salita ng Diyos. Sa pamamagitan ng kanyang mga salita, pinamulat niya ang mga puso at isipan ng mga kalahok sa kahalagahan ng masusing paghahanap sa Diyos at pagtanggap sa kanyang biyaya.
Ang lenten retreat ay isang panahon ng pananalangin, pagsusuri sa sarili, at espiritwal na pagmumuni-muni na karaniwang ginaganap tuwing panahon ng kuwaresma o holy week. Ito ay isang tradisyonal na pananampalataya sa mga Katoliko at ilan pang Kristiyano.