Ginanap ang seminar para sa mga Highschool at College student leaders ng Concepcion bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng National Women’s Month sa Col. Jesus R. Lapus Memorial Sports Complex.
May 80 katao ang dumalo sa nasabing seminar, kung saan tinalakay nina Shebana Alqaseer, mula sa Feminist Collective, at Gender Reform Activist Diana Kathrina Frotamillas ang mga paksa ng “Kaya Natin: Women’s Political Participation and Empowerment” at “GBV and Teenage Pregnancy – Right(s).” Dumalo rin ang Sangguniang Bayan Members na sina Sein Gomez at Calvin Canlas.
Bilang bahagi ng programa, naghandog si SB Sein Gomez ng libreng gupit at paglinis ng kuko para sa mga kababaihan.
Ang aktibidad na ito ay pinangunahan ni SB Sein Gomez at Ms. Jem Sablan ng MSWD bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Women’s Month na may temang “Lipunang Patas sa Bagong Pilipinas: Kakayahan ng Kababaihan, Patutunayan.” Layunin ng aktibidad na ito ang ipakita ang suporta at pakikiisa sa pagpapalakas ng papel at kakayahan ng mga kababaihan sa lipunan.