Nagkaroon ng seminar kanina tungkol sa mga kababaihan at edukasyon na pinangunahan ni Ms. Jem Sablan ng MSWD Concepcion, Tarlac at kaniyang mga staff.
Tinalakay naman ni Dra. Cristina Pascual at ni Atty. Myla Matic ang “Education Challenges and Delivery Post-Pandemic,” at “Salient Features of Anti-Sexual Harassment Act of 1995 (R.A. No. 7877) and Safe Spaces Act/Bawal Bastos Law (R.A. No. 11313).”
Dumalo sa seminar na ito si Mayor Noel Villanueva at ang mga 110 LSB teachers.
Ang seminar ay bahagi ng pagdiriwang ng National Women’s Month na may temang “Lipunang Patas sa Bagong Pilipinas: Kakayahan ng Kababaihan, Patutunayan.” Layunin ng aktibidad na ito na ipakita ang suporta at pakikiisa sa layunin na palakasin ang papel at kakayahan ng mga kababaihan sa lipunan.