Isang gabi ng kakisigan, talino, at husay ang nasilayan sa ginanap na Coronation Night ng Ginoong Concepcion 2025, kung saan 17 na kalahok mula sa iba’t ibang barangay ng bayan ang nagtagisan ng galing at personalidad. Isa ito sa mga tampok na aktibidad sa ilalim ng Fiestang Balen 2025, sa pangunguna ng Lokal na Pamahalaan ng Concepcion sa pamumuno ni Mayor Noel Villanueva.
Nagpaabot ng mensahe si Mayor Noel Villanueva sa pamamagitan ni Atty. Myla Matic, na siyang dumalo at kumatawan sa kaniya.
“Let your charm captivate our audience. As the father of this town, let me encourage you and our male kabalens to have a sense of commitment and establish foundations of leadership so you may become role models of true success. Our town needs men with integrity, vision, and determination to help us build a progressive Concepcion,” mensahe ng alkalde.
Narito ang mga pinarangalan sa Ginoong Concepcion 2025:
Ginoong Concepcion 2025 – Jade Dizon (Brgy. Cafe)
Ginoong Concepcion 2025 Turismo – Ronnie Manahan (Brgy. San Jose)
Ginoong Concepcion 2025 Kalikasan – Peter Paul Samson (Brgy. Pando)
1st Prince – Albert Dale Lising (Brgy. San Juan)
2nd Prince – James Barrera (Brgy. Sta. Rosa)
Ang gabi ay hindi lamang pagdiriwang ng kagandahang panlabas, kundi higit sa lahat, isang pagkilala sa mga kabataang ginoo ng Concepcion na may kakayahang maging inspirasyon at huwaran ng kanilang kapwa.
Mabuhay ang Ginoong Concepcion 2025!