Ginanap ngayong tanghali ang awarding ceremony para sa Chess Tournament bilang bahagi ng mga aktibidad sa Fiestang Balen 2025. Isinagawa ang seremonya sa Conference Hall ng Mayor’s Office sa Concepcion Municipal Government Center at pinangunahan ni Municipal Legal Officer, Atty. Myla Matic.
Narito ang naging final ranking ng torneo:
-Seniors Division-
Champion: Allan Angeles
2nd Place: Emmanuel Mallari
3rd Place: Rav Vergara
4th Place: Arthur dela Peña, Jr.
Special Awards – Kids Division
Champion: Aron Laxamana
2nd Place: Eli Sofia Tiomico
3rd Place: Liam Calara
Ang matagumpay na torneo ay handog ng Lokal na Pamahalaan ng Concepcion sa pangunguna ni Mayor Noel Villanueva, na may layuning itaguyod ang disiplina, talino, at sportsmanship ng mga kabalen sa larangan ng chess.
Pinangunahan ang torneo nina Mr. Romeo Yusi (Tournament Director), kasama sina Mr. Noel Manalo at Mr. Jaime Cecilio, na tumutok sa maayos na pagsasagawa ng palaro mula eliminations hanggang championship.
Isang mainit na pagbati sa lahat ng lumahok at nagpakitang-gilas sa bawat laban!