CONCEPCION, Tarlac (June 30, 2025) — Bilang simula sa panibagong termino, nanumpa ng katapatan sa katungkulan ang mga bagong halal na opisyal ng bayan ng Concepcion ngayong Lunes, ika-30 ng Hunyo sa Don Alfredo De Leon Conference Hall.

Pinangunahan ni Mayor Noel Villanueva ang panunumpa ng mga opisyal kaugnay ng kanyang panunungkulan sa ikalimang termino bilang Punongbayan, kasama si Vice Mayor Hon. Evelyn A. Rivera. Muling nanumpa si Mayor Villanueva bilang ama ng Bayan ng Concepcion.

Sa kanyang mensahe, nagpasalamat si Mayor Noel sa mga naniwala sa kanyang layunin sa kanyang muling pag-upo at hinimok ang kanyang mga kritiko na makipagtulungan sa kanya alang-alang sa bayan.

“It is in this respect that I extend my hands in peace, that in submission to everyone, especially to my critics and my detractors,” sabi ng alkalde.

Nanumpa rin ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan na kinabibilangan nina Carlo Avena, Marvin Macalino, Chino Bucu, Jayson Lagman, Nics Santos, Erwin James Villanueva, at Sein Gomez kasama ang kanilang mga pamilya.

Pinangunahan ni Judge Percival Atinaja ng Regional Trial Court ang oath-taking ceremony bilang Administering Officer.

Ang seremony ay dinaluhan nina re-elected Congressman Bong Rivera, Department Heads, mga kawani ng LGU, mga barangay at SK officials, Fire Chief inspector Ryan Pascual, at PNP Concepcion Chief PLtCol. Philip Antang.

#AksyonConcepcion

#ConcepcionTarlac