BASIC LIFE SUPPORT TRAINING, ISINASAGAWA Pinangunahan kahapon ng mga facilitator ng Provincial Health Office na sina Jing Jing L. Tomas, Aileen L. Javier, April Joyce D. Caligagan, Emmanuel V. Quiambao at si Benjamin P. Lopez III na isinagawa ang basic life support training para sa bawat kinatawan ng Local Government Unit (LGU) Department.

Ibinahagi sa kanila ang basic life support (BLS) kung paano suportahan ang sirkulasyon at paghinga ng pasyente sa pamamagitan ng paggamit ng cardiopulmonary resuscitation (CPR) hanggang sa dumating ang advanced life support.

Kung ang pasyente o ang biktima ay nagkaroon ng mas maaga at maayos na interbensyon ng BLS ay mas magiging madali dahil may malay na ito, at para magamit ang ibang paraan na makakatulong sa biktima o pasyente, at sa ganon paraan mas hahaba ang buhay ng biktima.

“Kahit matanda na ako gusto ko pa din matuto kase alam kong magagamit ko ‘to,” ito ang nasabi ng isang kalahok sa training kahapon. Ang BLS ay hindi lang para sa mga bata, ito ay para sa lahat na handang matuto at tumulong ng kapwa.

Malaking tulong ito sa buhay natin para makapagligtas ng mas maraming buhay.

At naniniwala tayo na ito ang pinakamahusay na kasangkapan na magagamit natin sa ating mandato, upang paglingkuran at protektahan ang mamamayan. Hanggang ngayong araw na ito ang isinasagawang (BLS) training.

#AksyonConcepcion #ConcepcionTarlac