Sa paligsahan ng Central Luzon Regional Athletic Association (CLRAA) 2024, isang bituin ang nagningning mula sa bayan ng Concepcion.
Si Al Czyroh M. Pasion, isang Grade 6 sa Concepcion East Central Elementary School, ay nagpakitang-gilas sa larangan ng Javelin Throw.
Hindi siya nagpadaig sa kanyang mga kalaban. May 40 na mga katunggali si Czyroh, ngunit walang sinuman ang nakapantay sa kanyang galing at determinasyon. Sa huli, siya ang itinanghal na GOLD MEDALIST at tinanghal din bilang BEST in Javelin Throw, na may tinatayang distansya na 47.38 metro.
Sa kanyang pagkapanalo sa CLRAA, siya rin ay nag-qualify na sa pagsabak sa prestihiyosong Palarong Pambansa. Ang ganitong karangalan ay hindi lamang tagumpay para sa kanya, kundi para sa buong bayan ng Concepcion.
Sa likod ng bawat tagumpay ng isang atleta ay may isang mapagkalingang tagapayo. Sa kaso ni Cyroh, ito ay si Coach John Caisip, ang kanyang masigasig na tagapag-ensayo. Sa pamamagitan ng tamang pagtuturo at patnubay, nakamit ni Cyroh ang tagumpay.
Ayon kay coach Caisip: “posibleng maging record-breaker ang atleta.”
Ang pagkapanalo ni Czyroh ay nagpapatunay na ang mga pangarap ay maaaring abutin kung may tiyaga at determinasyon.