Isinagawa kahapon ang meeting ng Child Friendly Local Governance Audit (CFLGA) Inter-Agency Monitoring Task Force (IMTF) sa Session Hall ng Legislative Building. Pinangunahan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang talakayan tungkol sa mga kailangang Means of Verifications (MOVs) bilang paghahanda para sa 2025 CFLGA.

Kasabay ng meeting, binati rin ng DILG ang LGU Concepcion sa matagumpay na pagpasa nito sa 2024 CFLGA. Ang pagkilalang ito ay patunay sa patuloy na pagsisikap ng lokal na pamahalaan na maging mas episyente at epektibo sa pagbibigay ng serbisyo para sa kabataan.

Dumalo ang mga miyembro ng IMTF upang talakayin ang mga hakbang at dokumentasyon na kinakailangan para sa susunod na CFLGA, na inaasahang magpapalakas pa sa mga programa ng LGU na may kaugnayan sa kapakanan ng mga bata.

#AksyonConcepcion#ConcepcionTarlac