Sa pangunguna ng Department of Social Welfare and Development(DSWD) at suporta ni Cong. Noel “Bong” Rivera, isinagawa ang pamamahagi ng financial assistance para sa mga estudyante.

Ang programang ito ay ginaganap ngayong araw ng Biyernes sa may Jesus R. Lapus Memorial Sports Complex. Ito ay naglalayong magbigay ng tulong pinansyal sa mga estudyante upang makatulong sa kanilang pagaaral.

Ang Financial Assistance Payout ay ipinagkaloob sa 1,270 na estudyante. Bawat isa sa mga benepisyaryo ay tumanggap ng halagang P3,000. Ang mga benepisyaryo ay mga mag-aaral mula sa iba’t-ibang barangay ng Concepcion, Lapaz, Capas, at Bamban.

#AksyonConcepcion#ConcepcionTarlac