Sa ginanap na-ikatlong pagpupulong para sa taong 2023 ng Local Health Board sa pangunguna nina Dr. Raymund Valdez, Dr. Benjamin Bengco at Dr. Dolores Cunanan sa may Matrimony Hall ng Concepcion Municipal Building.
Natalakay na mayroong 26 na pasyente na ang nakakapag-dialysis sa Concepcion Hemodialysis Center at sila ay mayroon ng 1,326 dialysis sessions mula ng ito ay nagbukas sa publiko.
Ang dialysis center ay mayroong mga nurses na naka-duty dito araw-araw bukod pa mga naka-duty na doktor para sa mga taga-Concepcion na nangangailangan ng gamutan.
Ang Center ay nasa Concepcion Socio-Civic Center sa Brgy. San Nicolas Poblacion at ito ay bukas mula 7am hanggang 4pm, Lunes hanggang Biyernes.
Mayroong din ugnayang ang mga staff ng dialysis center sa Municipal Disaster Risk Reduction Management Office para magkaroon ng standby na rescue team sa lugar.
#AksyonConcepcion #ConcepcionTarlac