Isinagawa ngayong araw ang Day 2 ng pamamahagi ng social pension para sa mga indigent senior citizens mula sa 22 barangay ng bayan ng Concepcion. Layunin ng programang ito na magbigay ng pinansyal na tulong sa mga nakatatanda na hindi nakatatanggap ng regular na pensyon mula sa alinmang ahensya ng pamahalaan.

Ang distribusyon ay isinagawa sa mga piling covered courts sa mga barangay ng San Antonio, San Nicolas Poblacion, Tinang, at Caluluan, kabilang na ang mga kalapit-barangay nito.

Pinangunahan ito ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) sa pamumuno ni Ms. Jem Centeno, katuwang ang Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA) sa pamumuno ni Mr. Alberto Villanueva. Nakiisa rin ang mga kawani ng Municipal Treasury Office upang matiyak ang maayos at mabilis na proseso ng pamamahagi.

May kabuuang 1,350 senior citizens ang nakatanggap ng tulong-pinansyal para sa ikalawang quarter ng taon.

Ang Social Pension Program ay inisyatibo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) katuwang ang Lokal na Pamahalaan ng Concepcion sa pamumuno ni Mayor Noel Villanueva, upang suportahan ang mga nakatatanda sa kanilang pangunahing pangangailangan gaya ng pagkain, gamot, at iba pang gastusin.

#AksyonConcepcion

#ConcepcionTarlac