Na-turn over na ngayong araw sa Mayor’s Office ang insurance benefit ng yumaong si Nicomedes “Medic” Mercado, isang dating volunteer rescuer at miyembro ng Disaster Assistance and Rescue Team ng Bayan ng Concepcion na naglingkod noong dekada 90.
Ang insurance premium ay mula sa 5% Local Disaster Risk Reduction and Management (LDRRM) Fund ng LGU. Personal itong iniabot ni Mr. Alfredo Yabut, kinatawan ng Beneficial Life Insurance Company (BenLife Insurance), sa beneficiary ni G. Mercado na kanyang maybahay, si Gng. Priscila Mercado.
Sinaksihan nina Mayor Noel Villanueva at MDRRMO Ronaldo Bautista ang pag-aabot ng naturang tseke ng Benlife, bilang pagkilala ng Lokal na Pamahalaan ang sakripisyo at serbisyo ng mga volunteer rescuers at ang pagsuporta sa kanilang mga pamilya lalo na sa panahon ng pangangailangan.