Ang programang ito ay pinangunahan ni Mayor Noel Villanueva, DILG Concepcion headed by Rowena Angeles, William Dulay ang Investigation Agent III ng PDEA, BFP Concepcion, PNP Concepcion at MDRRM Concepcion headed by Ronald Bautista. Dumalo naman ang mga miyembro ng MPOC, MADAC at MDRRMC.

Ang MPOC ay nagpupulong upang talakayin at suriin ang kalagayan ng kapayapaan at kaayusan sa munisipalidad, at upang magtakda ng mga hakbang para tugunan ang mga isyu sa krimen at seguridad. Ang konseho ay aktibo sa pagbuo ng mga patakaran at programa para mapanatili ang katahimikan at kaayusan.

#AksyonConcepcion#ConcepcionTarlac