Idinadaos sa atrium ng Concepcion Municipal Government Center ang Kadiwa ng Pangulo ngayong araw, bilang bahagi ng pagdiriwang ng Labor Day 2025 na may temang “Manggagawang Pilipino, Kaagapay sa Pag-unlad, Sandigan ng Mas Matatag na Bagong Pilipinas.”
Pinangunahan ito ng Department of Labor and Employment (DOLE) Tarlac sa pamumuno ni Chief Labor and Employment Officer Jose Roberto Navata, katuwang ang Public Employment Service Office (PESO) Concepcion sa ilalim ni Ms. Marlene Sanchez-Hipolito.
Kasama rin sa aktibidad ang Municipal Cooperatives and Development Office (MCDO) sa pamumuno ni Atty. Angelica Amurao, ang Municipal Agriculture Office sa pangunguna naman ni Juanito Lindo Jr, at si COMEA President Jun Pareña.
Ilan sa mga lumahok ay mga indibidwal at kooperatiba na nagbenta ng kanilang lokal na produkto tulad ng bigas, peanut butter, calamansi juice, iba’t ibang gulay, balut at penoy, itlog na maalat, scented candles, bagnet chicharon, tocino, at longganisa sa murang halaga.
Layunin ng programa na suportahan ang kabuhayan ng mga lokal na magsasaka, kooperatiba, at maliliit na negosyante sa ating bayan.
Ang Kadiwa ng Pangulo ay isang hakbang patungo sa mas makatarungan at abot-kayang bilihan ng pagkain at pangunahing bilihin, habang itinatampok ang mga de-kalidad na produktong gawang Concepcion.
Suportahan natin ang ating mga kabalen. Tangkilikin ang sariling atin!