Walang-sawang ipinagpatuloy ni mayora Carmen Villanueva at first lady ng Tersera Distrito Evelyn Rivera ang kanilang feeding program at gift-giving sa mga magiging mga mag-aaral sa susunod na pasukan.

Kanina sa Brgy. Minane Covered Court ay may 251 na estudyante mula sa Concepcion Special Education Center at 340 na estudyante mula naman sa Minane Elementary School ang masayang tumanggap ng mga school supplies gaya ng notebooks, writing pads, mga lapis, sharpener, ballpens, at crayons.

“Sana tulungan natin para makamit yung mga pangarap ng ating anak, sopan tala pu uning dening anak tamu ila pu ing kekatamung maging katuwang, ila pu ing pag-asa tamu pu datang ing aldo, kaya ikayung anak samasan yu ing pamagaral yu,” pahayag ni Mrs. Villanueva.

“Layun mi pu ing makasawup kareng anak, ngeni pu atin naku nanaman aisip, sinabi ke kang Cong. Rivera – ‘Jo, deng kekatamung senior citizens buri ku la pasayahan, makananu?.’ Sinabi ku buri ku bawat birthday da dinan ku la, hanggat agyu ku pu at bibye ya ing babo mamye kami pu, dakal ku pu programa para tuluy-tuluy pu ing serbisyo ming Team Luv Ko ‘To,” pahayag ni Mrs. Rivera, na maaaring tumakbo bilang Bise Alkalde ng Concepcion.

Wala namang pagsidlan ng tuwa ang mga kabataan dahil sa bagong kagamitan na kanilang magagamit sa kanilang pag-aaral. Gayon din ang mga pasasalamat ng mga magulang na mababawasan ang kanilang mga gastusin sa darating na pasukan ng kanilang mga anak.

Ang pagkakawanggawa ng pamilyang Villanueva at Rivera ay hindi lamang nagbibigay ng materyal na tulong kundi pati na rin ng inspirasyon at pag-asa sa mga batang mag-aaral. Ang kanilang walang sawang suporta ay nagsisilbing halimbawa ng bayanihan at malasakit sa mamamayan ng bayan ng Concepcion.

#AksyonConcepcion #ConcepcionTarlac