Isinagawa noong Hunyo 11 sa Brgy. Parulung ang libreng bakuna kontra rabies at deworming para 82 na mga alagang aso at pusa, bilang bahagi ng programa ng Lokal na Pamahalaan ng Concepcion sa pangunguna ni Mayor Noel Villanueva

Pinangunahan ito ni Dr. Roland Arciga ng Municipal Veterinary Office, na patuloy na nagsusulong ng mas pinaigting na pangangalaga sa mga alagang hayop at kaligtasan ng komunidad.

Ang programang ito ay isang malaking hakbang tungo sa mas ligtas, mas malusog, at mas responsableng pet ownership sa ating bayan. Hinihikayat ang lahat ng pet owners na samantalahin ang ganitong libreng serbisyo para sa kapakanan ng kanilang mga alaga at ng buong komunidad.

#AksyonConcepcion#ConcepcionTarlac