Isinagawa ngayong araw sa Barangay Mabilog ang libreng pagbabakuna kontra rabies at deworming para sa mga alagang aso at pusa, bilang bahagi ng programang pangkalusugan ng Pamahalaang Bayan ng Concepcion sa pamumuno ni Mayor Noel Villanueva.
Pinangunahan ito ng Municipal Veterinary Office sa pangunguna ni Dr. Roland Arciga, katuwang ang kanyang mga kasamahan. Umabot sa 265 na alagang hayop ang nabakunahan at nabigyan ng deworming treatment.
Layon ng programa na mapanatiling ligtas, malusog, at protektado ang mga alagang hayop laban sa rabies at iba pang zoonotic diseases, habang isinusulong din ang responsableng pet ownership.
Patuloy ang panawagan ng lokal na pamahalaan sa mga pet owners na tangkilikin at samantalahin ang ganitong mga libreng serbisyo para sa kapakanan ng kanilang mga alaga at ng buong bayan.