Isinagawa ngayong araw sa Barangay Parang ang libreng pagbabakuna kontra rabies at deworming para sa mga alagang aso at pusa, bilang bahagi ng programang pangkalusugan para sa mga hayop ng Pamahalaang Bayan ng Concepcion, sa liderato ni Mayor Noel Villanueva.
Pinangunahan ito ng Municipal Veterinary Office sa pamumuno ni Dr. Roland Arciga, katuwang ang kanyang mga kasamahan. Umabot sa 230 alagang hayop ang nabakunahan at nabigyan ng deworming treatment.
Layunin ng aktibidad na mapanatiling ligtas, malusog, at protektado ang mga alagang hayop laban sa rabies at iba pang zoonotic diseases na maaaring makaapekto rin sa kalusugan ng tao. Isa rin itong hakbang tungo sa pagsusulong ng responsableng pet ownership sa ating komunidad.
Patuloy ang panawagan ng lokal na pamahalaan sa mga pet owners na tangkilikín ang mga libreng serbisyong ito para sa kapakanan ng kanilang mga alaga at para na rin sa kaligtasan ng buong bayan.
Isasagawa rin bukas sa Barangay Mabilog ang libreng bakuna kontra rabies at deworming. Inaanyayahan ang mga pet owners na samantalahin ang serbisyong ito para sa kalusugan ng kanilang mga alaga.