Isinasagawa ngayon ang unang araw ng 2-day Free Theoretical Driving Course sa Don Alfredo de Leon Conference Hall sa Concepcion Municipal Government Center, sa ikalawang pagkakataon ngayong taon.
Ang programang ito ay hatid ng Concepcion Tarlac Business Club, Inc., sa pangunguna ni Mr. Arnel Aquino, katuwang ang Pamahalaang Bayan ng Concepcion sa pamumuno ni Mayor Noel Villanueva, at PESO Concepcion sa pamumuno ni Ms. Marlene Sanchez-Hipolito.
Dumalo rin ang mga kinatawan mula sa LTO Region 3, at ni Ms. Mahel Gerlen Yambao na nagbigay ng pagsasanay at impormasyon ukol sa mga batas trapiko, tamang asal sa kalsada, at responsableng pagmamaneho.
Nakatakda naman bukas ang pagsusulit at pagsusuri para sa mga lumahok, bilang bahagi ng proseso para sa pagkuha ng kanilang student permit.
Layunin ng programang ito na bigyan ng libreng oportunidad ang mga Concepcionense upang makapagsimula sa isang maayos, ligtas, at legal na paraan ng pagmamaneho.