isinasagawa ang pamamahagi ng scholarship assistance sa Concepcion Municipal Government Center, kung saan 1,227 na mag-aaral mula sa iba’t ibang antas ng edukasyon ang tumatanggap ng tulong pinansyal mula sa lokal na pamahalaan ng Concepcion.
Ang mga benepisyaryo ng nasabing programa ay kinabibilangan ng 400 Grade 11 students, 644 Grade 12 students, at 183 college students, na tumatanggap ng pinansyal na suporta upang matulungan sila sa kanilang pag-aaral.
Pinangunahan ang pamamahagi nina Mayor Noel Villanueva, Municipal Treasurer Engelberto Macalino, at mga kasapi ng Sangguniang Bayan na sina Sein Gomez, Calvin Sardia, Erwin James Villanueva, Jayson Lagman, at SB-elect Marvin Macalino kasama si ABC President Edward Suarez.
Sa kanyang mensahe, hinikayat ni Mayor Noel Villanuevaang mga estudyante na lalo pang magsikap at huwag mawalan ng pag-asa:
“Congratulations kekayung anak king pamagtanggap yung honor king pamagaral yu, maragul yang karangalan kareng pengari yu at lalu yung pagpursigihan dapat at eyu lalawen ing pakakalulu at laging maniwala king Guinu. Ngeni manikwa kayung malatiktik mung halaga manibatan king pondu naning LGU, na sana makasawup ya kekayu,” ani Mayor Villanueva.
Ang programang ito ay bahagi ng patuloy na adhikain ng lokal na pamahalaan na suportahan ang edukasyon ng kabataan sa bayan ng Concepcion.