Naging kaagapay ng Lokal na Pamahalaan ng Concepcion – sa pangunguna ng Rural Health Unit (RHU) at Philippine Red Cross ang bloodletting activity na isinagawa sa Tarelco II- Tarlac II Electric Cooperative, Inc. main office.
Ang aktibidad ay nagbigay ng pagkakataon sa mga residente ng Concepcion na maging blood donors sa pakikipagtulungan ng PNP Concepcion, BFP Concepcion, ARMOR PAMBATO Division of Philippine Army, Capas Freedom Warriors Matikas Eagles Club at iba pang mga residente ng Concepcion.
Ayon kay Technical Sgt. Romulo Sumera, kasama ng 23 na kasapi ng kaniyang grupo, bukod sa kanilang serbisyong pangkapayapaan, taon-taon sila nagdodonate at sa tuwing may nangangailangan nito.”Inaasahang magpapatuloy ang ganitong mga aktibidad upang mas marami pang mga tao ang mabigyan ng pagkakataon na maging bahagi ng pagtulong sa kapwa,” ang sabi naman ni Municipal Health Officer Dr. Raymund Valdez.
Ang mga donors ay nabigyan ng 20 kilos na bigas mula sa TARELCO II bilang pasasalamat sa mga ito.Isa sa mga pangunahing layunin ng bloodletting activity ay ang pagtulong sa mga nangangailangan ng dugo sa mga pagkakataon ng kagipitan, tulad ng mga biktima ng aksidente, mga pasyenteng nangangailangan ng operasyon, at iba pang medikal na pangangailangan.
Sa pamamagitan ng mga ganitong aktibidad, mas napapalakas at naiibsan ang pangangailangan sa mga blood supply ng mga ospital at mga medical facilities.Ang nasabing aktibidad ay naganap bilang bahagi ng mga pagsisikap ng mga grupo upang mapalawak ang kamalayan tungkol sa kahalagahan ng dugo at pagsuporta sa mga taong nangangailangan nito.
#AksyonConcepcion #ConcepcionTarlac
