Sa patuloy na pagbibigay ng seguridad sa kalusugan ng mga mamimili, isinagawa ngayong araw ng Municipal Veterinary Office sa pangunguna ni Dr. Roland Arciga ang regular na meat inspection sa Concepcion Public Market at ilang pangunahing meat dealers sa bayan.
Sa inspeksyon, muling ipinaalala sa mga meat vendors na kumuha lamang ng karneng baboy at manok mula sa mga rehistradong supplier upang matiyak ang kalidad at kaligtasan ng mga produktong ibinebenta.
Paalala rin sa mga mamimili na mamili lamang sa mga meat stand na may nakadisplay na Meat Inspection Certificate, isang patunay na ang mga karne ay dumaan sa wastong pagsusuri bago ito maihain sa hapag-kainan ng bawat pamilya.
Makikita rin sa palengke ang isang halimbawa ng ideal storage ng mga frozen meat, na bahagi ng inisyatibong paigtingin ang food safety standards sa bayan (tingnan sa litrato).
Ang ganitong aktibidad ay bahagi ng kampanya ng lokal na pamahalaan sa pamumuno ni Mayor Noel Villanueva para sa mas ligtas at mas malusog na pamayanan.