Nagkaroon ng medical mission sa Barangay Sta. Monica ang Provincial Government sa pakikipagtulungan ng Municipal Health Office ng Concepcion, Tarlac.Ang medical mission ay sinimulan sa tulong din ng mga social workers na silang nag-aassist sa mga taong gustong magpatingin ng mga karamdaman at blood chem. Namigay din sila ang mga gamot para sa mga tao.Ang mga libreng services na ibinahagi ng mga provincial health workers ay malaking tulong para sa may mahigit 6,000 residente ng Sta. Monica na lubhang naapektuhan ng nagdaang mga bagyong Egay at Falcon.

#AksyonConcepcion #ConcepcionTarlac