
Patuloy ang serbisyong medikal ng LGU Rural Health Unit sa pangunguna nina Dr. Raymund Valdez, Dr. Dolores Cunanan at iba pang mga healthcare workers. Nakipagtulungan din ang Philippine National Red Cross – Concepcion Tarlac Chapter at ang mga opisyal ng Barangay San Juan.
Ang medical mission na ito ay para sa FREE CONSULTATION and FREE MEDICINE. Nagkaroon din ng Random Blood Sugar (rbs), Hemoglobin Test (hgb), Nonstructural Protein1 (ns1), Dengue Test, Dental Mission, at Blood Letting.
Ayon kay Dr. Valdez ang purpose ng medical mission na ito ay “to serve and cater the health of our patient by providing free medical care and services.”
Isinagawa ang serbisyong ito sa Barangay San Juan Purok 3 Covered Court ngayong araw na ito na dinaluhan ng mahigit 200 na residente. Mayroon namang 50 blood donors ang nakilahok sa ginawang Blood Letting Activity, kabilang dito ang ilan sa mga kalapit na barangay gaya ng Santo NiƱo, Dutung-a-Matas, at Santa Rosa.