Nagkaroon ng mahalagang pagpupulong kaninang hapon ang mga opisyal ng COMTODA (Concepcion Municipal Tricycle Operators and Drivers Association) kasama ang lahat ng TODA chairmen sa bayan ng Concepcion, Tarlac.
Sa pangunguna ni Overall Chairman Domingo Cutchon mula sa TODA ng Barangay San Francisco, tinalakay sa pulong ang Annual Budget Report at ang planong pagtatayo ng COMTODA Motor Parts Store na layong makatulong sa mga miyembro ng asosasyon sa pagbili ng mas abot-kayang piyesa ng motorsiklo.
Dinaluhan ang pagpupulong ni Sangguniang Bayan Member Jayson Estrada Lagman, Chairman ng Committee on Transportation, upang magbigay ng gabay at suporta sa mga programang pang-transportasyon sa bayan.
Inaasahan ang aktibong partisipasyon ng lahat ng TODA chairman upang magkaroon ng malinaw at epektibong plano para sa kapakanan ng mga tricycle driver at operator sa Concepcion.