Ginanap ngayong araw ang Moving Up Ceremony ng mga mag-aaral mula sa iba’t ibang Child Development Centers sa bayan ng Concepcion, na isinagawa sa Don Alfredo De Leon Conference Hall sa Concepcion Municipal Government Center.

Ang seremonya ay may temang “First Steps Towards a Brighter Future”, isang makabuluhang pagdiriwang ng unang hakbang ng mga bata tungo sa mas maliwanag na kinabukasan.

Ang programa ay isinakatuparan sa ilalim ng pangangasiwa ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) sa pamumuno ni MSWD Officer Jem Sablan-Centeno, katuwang ang Early Childhood Care and Development (ECCD).

Dumalo rin sa nasabing okasyon ang ilang opisyal ng barangay, mga kagawad at kinatawan bilang suporta sa kanilang mga kabarangay.

Narito ang bilang ng mga nagtapos mula sa bawat Child Development Center:

San Jose 1 – 34 na mag-aaral

San Jose 2 – 58 na mag-aaral

Green Village – 19 na mag-aaral

Corazon de Jesus – 29 na mag-aaral

Sitio Pao – 15 na mag-aaral

Santiago – 36 na mag-aaral

Sitio Ligaya – 29 na mag-aaral

Dungan – 18 na mag-aaral

Lubos ang aming pagbati sa lahat ng mga bata sa kanilang pagtatapos, pati na rin sa mga masisipag at dedikadong guro (Child Development Workers) at mga magulang na buong pusong sumuporta sa kanilang mga anak sa bawat hakbang ng pag-aaral.

Ito ay patunay na sa pagtutulungan ng pamahalaan at komunidad, ang kinabukasan ng kabataan sa Concepcion ay mas maliwanag at puno ng pag-asa.

#AksyonConcepcion#ConcepcionTarlac