Isinagawa kaninang umaga ang isang orientation para sa mga piling empleyado at kinatawan ng iba’t ibang opisina ng munisipyo bilang paghahanda sa nalalapit na 2nd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED).

Pinangunahan ito ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa pamumuno ni MDRRMO Officer Ronaldo Bautista. Nagbigay sila ng mahahalagang paalala at gabay upang masiguro ang maayos, mabilis, at ligtas na pagresponde ng mga kawani sakaling magkaroon ng lindol.

Tinalakay sa orientation ang mga kailangang gawin sakaling may maganap na lindol, at pagkatapos nito, lalo na sa panahon ng mga aftershock. Kabilang sa mga itinuro ang mga tamang hakbang sa paglikas, ang pagsisiguro sa kaligtasan ng sarili at kapwa, at ang kahalagahan ng kalmadong pagtugon sa sitwasyon.

Gaganapin ang Nationwide Simultaneous Earthquake Drill sa darating na Hunyo 19, 2025, sa ganap na 9:00 ng umaga, sa loob ng Concepcion Municipal Government Center.

Ang aktibidad na ito ay bahagi ng patuloy na kampanya ng Lokal na Pamahalaan ng Concepcion para sa mas ligtas at handang komunidad sa harap ng sakuna.

#AksyonConcepcion#ConcepcionTarlac