Sa layuning mapanatili ang kalinisan at kaayusan sa komunidad, isinagawa ng Municipal Environment and Natural Resources Office sa pangunguna ni Mr Sonofpray Dantes at sa pakikipagtulungan ng mga Sangguniang Kabataan members ang isang matagumpay na clean-up drive bilang bahagi ng pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan 2023.
Ang unang grupo ay nagsimulang linisin ang mga paligid ng kalsada mula Plaza hanggang Lucung bridge (San Jose) at ang ikalawang grupo naman ay nagmula sa FCC Supermarket hanggang Barangay San Francisco. Jeanne Ladao