Matagumpay na naihatid at naisagawa ang imbentaryo ng mga kagamitang pang-car wash para sa Concepcion La Paz Victoria Jeepney Transport Cooperative (CLVJTC) sa kanilang Katransport Office sa Brgy. Sto. Cristo. Ang proyektong ito ay naglalayong magbigay ng alternatibong kabuhayan sa mga kasapi ng kooperatiba.
Bahagi ito ng DOLE Integrated Livelihood Program (DILP) upang suportahan ang mga transport cooperatives at mga apektadong manggagawa. Pinangungunahan ito ni Chief LEO ng DOLE Tarlac, Jose Roberto Navata, katuwang si PESO Manager Marlene Hipolito, at isinakatuparan sa inisyatibo ni Mayor Noel Villanueva.
May kabuuang halagang ₱835,000, saklaw ng proyekto ang mga kagamitan at pagsasanay para sa maayos na pagpapatakbo ng car wash livelihood program. Ang pondong ito ay mula sa DOLE sa pakikipagtulungan ng LGU Concepcion, Tarlac.
Dinaluhan ang delivery at inventory ng ilang mga miyembro ng kooperatiba, mga kinatawan mula sa DOLE Tarlac at PESO Concepcion, Tarlac, sa pangunguna ni PESO Manager Marlene Hipolito, bilang patunay ng patuloy na pagtutulungan sa pagsusulong ng pangmatagalang kabuhayan.