Concepcion, Tarlac – Naipasara ang isang negosyo sa Barangay San Francisco na kung saan isinasagawa ang pag-iimbak ng buhangin at graba o stockpiling of assorted aggregates, matapos mabatid na may kakulangan ito sa mga kinakailangang dokumento tulad ng barangay business permit, mayor’s permit at locational clearance.

Ipinatupad ng Business Permit and Licensing Office (BPLO) ng lokal na pamahalaan ang pagpapasara nito bilang bahagi ng kanilang pagsisikap na tiyakin ang legalidad at pagsunod sa mga regulasyon ng mga negosyo sa komunidad.

Pinangunahan ni BPLO Walter Glenn Lomboy, Rogel Alday, Justin John Pineda ang ginawang aksyon. Katuwang nila ang kapulisan na sina Rofel Garcia (Police Senior Master Sergeant) at Kenniedy Cawili sa nasabing operasyon.

Samantala, bago pa man ang pagpapasara ay binigyan sila ng notice of violation ng 10 days upang asikasuhin ang mga kailangang dokumento ngunit hindi nila ito nagawa.

Sa araw ng pagpapasara ay tinanggihan nilang pirmahan ang dokumento.Ayon sa mga opisyal ng BPLO, marami na ring natanggap na reklamo mula sa mga residente na nagbigay-daan sa masusing pagsisiyasat nito.

Isa sa mga reklamong ito ay ang alikabok na dulot ng pag-iimbak.

#AksyonConcepcion #ConcepcionTarlac