Pormal nang binuksan kahapon ang Palarong Pambayan 2025 sa ating Municipal Plazuela na pinangunahan ni Mayor Noel Villanueva. Ang taunang palaro ay dinaluhan ng iba’t ibang opisyal, kabilang sina Vice Governor Cassada David, Congressman ng 2nd District Christian Yap, Congressman ng 3rd District Noel “Bong” Rivera, SB Sein Gomez, SB CARLO AVENA, SB Jayson Estrada Lagman, Kap. Rolly Puno, Kap. Marvin Macalino, SK Federation President Cygel Lusung, Former SB Owen Baluyut, at Ton Villanueva.
Sa kaganapan, pinarangalan ang mga muse ng bawat barangay. Ang bawat muse ay nakatanggap ng tig-₱2,000 na cash assistance, habang ang tinanghal na Best Muse ay tumanggap ng ₱5,000. Ang karangalang ito ay naiuwi ni Mary Margarette Castro ng Barangay Lilibangan.
Samantala, ang bawat koponan ng basketball at volleyball ay nakatanggap ng kabuuang ₱6,000 na cash assistance. Ang pondo ay nagmula sa kontribusyon ng tatlong opisyal: ₱2,000 mula kay Congressman Christian Yap, ₱2,000 mula kay Congressman Noel “Bong” Rivera, at ₱2,000 mula kay Mayor Noel Villanueva.
Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Mayor Villanueva ang halaga ng pagkakaisa at pagkakaibigan sa palarong ito.
“Ing pakisabi ku kailangan saya ing ibye tamu king kekatamung balen. Nung makapanuli kayung karangalan king kekayung baryu, mas yang masanting ita. Pero ing importanti, ikayung kayanakan kening balen tamu, mikakalugud at mikakasundu kayu,” ani Mayor Villanueva.
Ang Palarong Pambayan ngayong taon ay nilahukan ng iba’t ibang barangay ng Concepcion mula sa Senior Division (44 teams), Junior Division (43 teams), Volleyball Men’s Division (26 teams), at Volleyball Women’s Division (18 teams).
Ang pagbubukas ng palaro ay nagbigay inspirasyon sa mga kalahok na ipakita ang kanilang husay sa sports, habang isinusulong ang diwa ng pagkakaisa at pagkakaibigan sa ating komunidad.