Matapos ang matagumpay na feeding program at pamimigay ng tsinelas sa mga estudyante noong nakaraang mga buwan, muling ipinamalas nina Mrs. Carmen Villanueva at Mrs. Evelyn Rivera ang kanilang malasakit sa kapwa. Ngayon naman ay naglaan sila ng school supplies at pambili ng bag para sa mga mag-aaral sa darating na pasukan.

Kanina, sa Concepcion West Elementary School sa Brgy. Santiago, ay may 583 na estudyante ang masayang tumanggap ng iba’t ibang school supplies. Kasama sa mga ipinamigay ang notebooks, writing pads, mga lapis, sharpener, ballpens, at crayons. Ang mga mag-aaral ay nag-uumapaw sa tuwa at pasasalamat dahil sa bagong kagamitan na kanilang magagamit sa kanilang pag-aaral.

“Ini pung P500 ayni panyali nepung bag ning anak yu, ali yapu sasaling botu ne?” pahayag ni Mrs. Rivera.

Bukod sa West Elementary School sa Santiago, napasaya rin nina Mrs. Villanueva at Mrs. Rivera ang may karagdagang 260 estudyante sa Dungan at 149 naman sa Ligaya.

Ang pagkakawanggawa ng pamilyang Villanueva at Rivera ay hindi lamang nagbibigay ng materyal na tulong kundi pati na rin ng inspirasyon at pag-asa sa mga batang mag-aaral. Ang kanilang walang sawang suporta ay nagsisilbing halimbawa ng bayanihan at malasakit sa kapwa.