Patuloy ang feeding program at pamamahagi ng mga school supplies nina Mrs. Carmen Villanueva at Mrs. Evelyn Rivera, kasama ang mga kandidato ng Mister Concepcion.

Kanina sa Brgy. Sta. Monica Elementary School, tinanggap ng mga estudyante ang mga school supplies tulad ng notebooks, writing pad, mga lapis, sharpener, ballpens, crayons, at mga payong. Nakatanggap din ng mga payong ang mga guro ng paaralan.

Nagpakita rin ng suporta sa programa sina SB Calvin Canlas at SB Carlo Avena.

Ang feeding program at pamamahagi ng school supplies ay may mahalagang papel sa pagbibigay ng suporta sa mga bata. Ang feeding program ay nagbibigay ng sapat na nutrisyon na kailangan ng kanilang katawan at utak para sa masigla at maayos na pag-unlad. Sa kabilang banda, ang pamamahagi ng school supplies ay naglalayong mabawasan ang mga hadlang sa kanilang pag-aaral at nagbibigay ng pantay-pantay na pagkakataon para sa edukasyon.