Sina First Ladies Carmen Villanueva at Evelyn Rivera ay ipinagpatuloy ang kanilang pagkakawanggawa at pagtulong sa mga kabataan na malapit na namang mag-enroll para sa susunod na baitang ng kanilang pag-aaral.
Namahagi sina Mrs. Villanueva at Mrs. Rivera ng mga school supplies sa mga magiging mag-aaral ng Brgy. San Jose.
May 667 na estudyante (485 Grade 1-5, 182 Day Care) ang masayang tumanggap ng iba’t ibang school supplies. Kasama sa mga ipinamigay ang notebooks, writing pads, mga lapis, sharpener, ballpens, at crayons.
“Ngeni pung midinan lang school supplies deng anak ala nalang idahilan na ala lang gamit,” pahayag ni Mrs. Rivera.
Wala namang pagsidlan ng tuwa ang mga kabataan dahil sa bagong kagamitan na kanilang magagamit sa kanilang pag-aaral. Gayon din ang mga pasasalamat ng mga magulang na mababawasan ang kanilang mga gastusin sa pag-aaral ng kanilang mga anak.
Ang pagkakawanggawa ng pamilyang Villanueva at Rivera ay hindi lamang nagbibigay ng materyal na tulong kundi pati na rin ng inspirasyon at pag-asa sa mga batang mag-aaral. Ang kanilang walang sawang suporta ay nagsisilbing halimbawa ng bayanihan at malasakit sa kapwa.
#AksyonConcepcion #ConcepcionTarlac