Isang masaya at puno ng sorpresa na Post-Father’s Day Celebration ang isinagawa ngayong araw bilang pagkilala at pagbibigay-pugay sa mga ama na nagsisilbi sa Pamahalaang Bayan ng Concepcion.
Pinangunahan ang selebrasyon ng Concepcion Municipal Employees Association (COMEA) sa pamumuno ni Jun Pareña, katuwang si Ms. Flora Perez ng Municipal Human Resource Management Office (MHRMO), at Municipal Legal Officer, Municipal Cooperatives Development Office (MCDO), at iba’t ibang tanggapan ng munisipyo. Layunin ng programa ang kilalanin ang mahalagang papel ng mga ama bilang haligi ng tahanan at lingkod bayan.
Naghatid saya sa mga kalahok ang pamamahagi ng mga regalo at ang inihandang “Roleta ng Papremyo,” na nagbigay aliw at excitement sa mga tatay. Ilan sa mga premyong ipinamigay ay grooming services mula sa La Belleza, bigas, at iba’t ibang praktikal na gamit, bilang simpleng paraan ng pagpapakita ng pasasalamat at pagpapahalaga sa kanilang dedikasyon sa serbisyo.
Ang programang ito ay isinagawa upang iparamdam ang taos-pusong pasasalamat sa walang sawang sakripisyo, pagmamahal, at katapatan ng mga ama—sa loob man ng kanilang tahanan o sa kanilang tungkulin bilang lingkod-bayan.
Maligayang Araw ng mga Ama sa lahat ng ating ama na lingkod-bayan! Kayo ay tunay naming hinahangaan at pinasasalamatan.