“Abot kamay ang pangarap” isa ito sa mga bilin ng Public Employment Service Office (PESO) Manager na si Ms. Marlene Sanchez Hipolito para sa higit 37 Special Program for Employment of Students (SPES) applicants.
Prayoridad pa rin ng Munisipalidad ng Concepcion, Tarlac, na makapagbigay ng suporta sa pag-aaral ng mga kabataan lalo na ang mga kapos ang kabuhayan sa pamamagitan ng mga programang tulad ng SPES.
Dahil dito, isinagawa ang orientation at contract signing ng 3rd batch ng SPES applicants na magsisimulang magtrabaho sa iba’t-ibang departamento ng opisina sa munisipyo ngayong araw sa loob ng 10 araw.
Sa pamamagitan ng SPES Program, makakatulong ito para sa mga estudyante sa kanilang tuition fee, gamit pang-eskwela, libro at iba pa. Matututunan din ng mga kabataan ang kahalagahan ng pagiging masipag at matiyaga para sa kanilang matagumpay na karera sa buhay.
#AksyonConcepcion #ConcepcionTarlac

