Buong pusong tinanggap ng Pamahalaang Bayan ng Concepcion ang donasyon ng mga life vest mula sa Tarlac Filipino-Chinese Volunteers fire Brigade, Inc. para sa kapakinabangan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng bayan.
Pinangunahan ni Mr. Johnson See, presidente ng Tarlac Filipino-Chinese Volunteers Fire Brigade, ang pamamahagi ng mga life vest bilang suporta sa mga programa ng bayan para sa kaligtasan at kahandaan sa panahon ng sakuna.
Lubos naman ang pasasalamat ni Mayor Noel Villanueva sa mga donasyong ipinagkaloob ng Tarlac Filipino-Chinese Volunteers fire Brigade, Inc. at sa patuloy na pagtulong ng organisasyon sa mga mamamayan ng Concepcion. Kasama niyang tumanggap ng donasyon si Mr. Ronald Bautista, MDRRMO officer ng bayan, na nagpahayag din ng pasasalamat at nangakong higit pang pagtitibayin ang kanilang mga serbisyo para sa seguridad ng publiko.
Ang ganitong uri ng pagtutulungan sa pagitan ng pamahalaan at mga pribadong organisasyon ay patunay ng bayanihan at malasakit para sa kapakanan ng lahat, lalo na sa panahon ng mga kalamidad.